NDRRMC: 3 patay, 2 nawawala sa bagyong Vinta

PAWANG PAGKALUNOD ang sanhi ng kamatayan ng tatlong nakilalang biktima dahil sa bagyong Vinta.

Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nakilala ang mga ito na sina Wilson Lizardo, 72, ng Ballesteros in Cagayan; Jose Manuel, 52, ng Lasam, Cagayan; at Manny Balucas, 41, ng Lagayan, Abra.

Maliban sa mga ito, patuloy namang pinaghahanap ang dalawang nawawala mula pa noong kasagsagan ng nasabing bagyo.

Nakilala naman ang mga nawawala na sina Loridel Baldos, 30, residente ng San Juan, Abra; at Jerry Gatan, 25, ng Cabagan, Isabela.

Hinggil pa rin ng nabanggit na kalamidad, umaabot sa 26,221 pamilya ang sinasabing naapektuhan nito o katumbas ng 116,482 katao mula sa 211 barangay sa 26 na bayan at isang lungsod sa loob ng limang lalawigan sa Luzon.

Samantala, posibleng madagdagan pa ito kung may iba pang maireport na papasok mula sa mga pamahalaang lokal.

Sa kasalukuyan ay tinatayang nasa P24 milyon na ang pinsala sa Ilocos at Cagayan Valley, kasama na ang P1,345,000 para sa imprastraktura at P22,963,117.54 sa agrikultura.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.