NDRRMC: 13 patay, 3 nawawala sa hagupit ng bagyong Santi

UMABOT NA sa 13 katao ang mga naireport na namatay habang tatlo naman ang nawawala sa pananalasa ni bagyong Santi sa Central Luzon at Northern Luzon.

Base sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) tanging ang mga lugar sa Aurora at Bulacan na lamang ang labis na sinalanta ng mga bagyo na hanggang nga-yon ay mataas pa rin ang level ng tubig.

Sinabi ni NDRRMC executive director Eduardo del Rosario na nasa mahigit dalawang milyong katao na rin ang apektado na karamihan ay walang suplay ng kuryente.

Mahigpit pa rin ang paalala ng NDRRMC sa publiko na maging maingat lalo na sa mga low lying areas gaya na lamang ng mga lugar sa Region 1, 2, 3, 4A-4B, at Cordillera Administrative Region.

Samantala, sa inisyal na ulat, papalayo na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang nasabing bagyo.

Inasaahan din na papaganda na ang panahon ngayong araw ngunit inaasahan din ang pagpasok ng isa pang bagyo na si Tino.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.