NDRRMC “hinagupit” ng hacker

INATAKE NG HACKER ang isa sa pangunahing website ng pamahalaan na National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa ulat, ikinamangha ng mga bumisita sa NDRRMC website ang kakaibang pagbati nito alas-5:34 ng umaga kahapon.

Lumantad ang mga katagang “P E R S I A N G U L F 4 EVER,” habang ang window o tab’s title ay may nakasulat na “Hacked by Cocain TeaM”.

Bukod sa nasabing mga kataga, nakasulat din ang iba’t ibang pangalan na may linya at text kung saan nakalagay ang “For More Security”.

Ayon sa NDRRMC, hindi ito ang unang pagkakataon na inatake sila ng mga hacker, at katunayan noong January 4 ay na-hack na rin ang website ng ahensya na dating kilala bilang National Disaster Coordinating Council (NDCC).

Noong July ay na-hack na rin ang website ng Office of the Vice-President at Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) ng hactivist na Private X.  (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.