NCRPO: MM, ‘Di Kailangang Ilagay sa Election Watch List

NANINIWALA SI National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Leonardo Espina na wala pang lungsod sa Metro Manila ang kinakaila-ngang ilagay sa election watch list.

Ito’y sa kabila ng mainit na tunggalian sa pulitika, partikular ng mga kandidato sa Maynila, Caloocan at Taguig.

Masusi naman aniyang sinisiyasat ang ilang kaso ng pagpatay, kabilang ang pagpaslang sa isang tagasuporta ng kandidato sa pagka-alkalde sa Taguig para malaman kung may bahid itong pulitika.

Sinabi pa ni Espina na walang rason para maging magulo ang eleksyon sa Metro Manila.

Tiniyak din ng NCRPO chief ang kahandaan ng pulisya sa eleksyon.

Samantala, nagpulong na aniya ang joint task force na kinabibi-langan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at Commission on Elections (Comelec) para matiyak na magiging maayos ang halalan.

Kabilang din sa pinagtuunan ng pansin ang sapat na suplay ng kuryente sa eleksyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.