NCRPO: Fort Bonifacio, Mananatili sa Ilalim ng Taguig Police

MANANATILI PA rin sa hurisdiksyon ng Taguig City Police ang Fort Bonifacio sa kabila ng request ni Mayor Junjun Binay na ilipat ito sa Makati City Police.

Maaalala na ito’y inihirit ng alkalde matapos magdesisyon ang Court of Appeals (CA) na sakop ng Makati ang Fort Bonifacio kasama ang Bonifacio Global City (BGC).

Base sa kautusan ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Chief Marcelo Garbo Jr., habang wala pang pinal na desisyon ang korte sa isyu ng teritoryo, ang Taguig Police pa rin ang mangangasiwa sa Fort Bonifacio.

Ito ang maglalatag ng seguridad at reresponde sa anumang krimen doon.

Isang welcome development naman sa Taguig Police ang utos ni Garbo.

Sinabi ni Chief Felix Asis na mapapawi nito ang alinlangan sa pagitan ng kanilang hanay at ng Makati Police.

Minsan nang nagkaroon ng tensyon nang pumasok ang mga tauhan ng Makati City Hall sa Palar Village sa Taguig at nagsukat ng kalsada nang walang pahintulot sa Taguig government.

Samantala, nasundan pa ito ng pagpasok ng Makati Public Safety Assistance (MAPSA) sa BGC.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.