NCR, Tsampyon Muli sa Palarong Pambansa

NAPANATILI PA rin ng National Capital Region (NCR) ang pagiging kampeyon sa Palarong Pambansa.

Sa katatapos lamang na Palarong Pambansa 2013, dinomina ng delegasyon ng NCR sa elementary at secondary levels ang ibang rehiyon sa nakuha nitong 596.5 puntos.

Katulad noong Palarong Pambansa 2012, pumanga-lawa ang Region 6 o Western Visayas na nakakuha ng 446.34 puntos.

Nangalahati naman ang abante ng NCR sa Western Visayas kumpara noong nakaraang taon kung saan may 300 points na abante ang kampeon, samantala ngayon ay umaabot lamang ito sa 150 puntos.

Nasa ikatlong puwesto ang Region 7 o Central Visayas na nakakuha ng 333 puntos na sinusundan ng Northern Mindanao na nakatipon ng 288 puntos at ang Southern Tagalog na nakakuha ng 250 puntos.

Samantala, ang Region 8 o Eastern Visayas ang nangulelat sa Palaro.

Samantala, pinaniniwalaang ang pagdanas ng pananakit ng tiyan ng mga atleta ang itinuturong dahilan sa kanilang performance sa ranking.

Kahapon, isinagawa ang closing ceremony sa Dumaguete City, Negros Oriental.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.