NBI, Unfair sa P10-B Pork Barrel Scam Probe

UMALMA ANG kampo ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles sa aniya’y “unfair” na paghawak ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isyu kaugnay ng sinasabing P10-billion “pork barrel” fund scam.

Ayon kay Napoles, pawang walang basehan at ebidensiya ang mga alegasyon nang tumatayong whistleblower sa isyu na si Benhur Luy laban sa kaniya.

Base nga sa 11-pahinang joint sworn affidavit na inihain sa Department of Justice, lumalabas na umaabot sa P2.9 billion fund ng ilang mga senador ang sinasabing nalustay dahil sa scam sa pamamagitan ng National Agri-Business Corporation (NABCOR) mula taong 2006 hanggang 2011.

Una nang iginiit ni Napoles na pamba-blackmail ang ginagawa ni Luy matapos na una itong mag-demand sa kaniya ng P300-milyon kapalit sa pagbasura sa hiwalay na kasong illegal detention na isinampa ng whistleblower.

Batay sa testimoniya ni Luy na kaya siya ikinulong ni Napoles ay dahil batid nito ang mga proyektong pinondohan ng pamahalaan sa pamamagitan ng kumpaniya ng negosyante na JLN Group of Companies.

Samantala, sinabi ni Napoles na nagagamit din lamang umano ni Luy ang NBI at maging ang media sa kanyang motibo.

“It is clear that extortion and blackmail are the motives behind the series of (media) articles and was no doubt fed by unidentified NBI agents who are wittingly being used by the Luy family,” ani ng abogado.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.