NBI, Tutulong na sa Kaso ni Jonas Burgos

KINUMPIRMA NG Department of Justice (DoJ) na tutulong na rin ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pagsisiyasat ng Commission on Human Rights (CHR) kaugnay sa pagkawala ng aktibistang si Jonas Burgos.

Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na kasama umano ito sa mga nakapaloob sa ipinalabas na Temporary Protection Order (TPO) ng Korte Suprema para sa pamilya Burgos.

Ayon kay De Lima, una nang inatasan ng Supreme Court (SC) ang CHR na ituloy ang im-

bestigasyon sa pagkawala ni Jonas na umano’y dinukot mula sa isang restaurant sa isang mall sa Quezon City noong April 28, 2007.

Kasabay nito, tiniyak naman ng kalihim na tuloy pa rin ang pagsisiyasat ng NBI sa kaso ni Jonas alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Samantala, makikipagpulong si De Lima kay Ginang Edita Burgos para isapinal ang kinakailangang proteksyon sa kanyang pamilya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.