NBI probe kay ‘Arlene’, pinigil ng SC

HINDI NA magsasagawa pa ng hiwalay na pagsisiyasat ang National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa paglutang ng pangalang ‘Arlene’ na sinasabing may malakas na impluwensiya sa hudikatura o tinaguriang court fixer.

Ito ay kasunod ng isinagawang en banc session ngayong araw ng mga mahistrado ng Korte Suprema.

Nabatid na noong nakaraang linggo, hiniling

ni Chief Justice Maria Lourdes-Sereno kay Justice Secretary Leila de Lima ang tulong para imbestigahan si “Arlene.”

Sa kautusan kamakailan ni Sereno, dapat maisailalim sa “lifestyle check” ang mga judges at court employees.

Kaugnay naman nito, tanging ang SC en banc na lamang ang p’wedeng  manguna sa  naturang pagsisiyasat.

Una nang inihayag ni Justice Secretary Leila de Lima na mag-inhibit ito sa imbestigasyon ng NBI hinggil sa nasabing isyu ni Arlene sa hudikatura na umano’y fixer ng mga kaso sa hukuman.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.