NBI, NAPOLCOM at CHR, mangingialam na rin sa Quezon shootout

MAGSASAGAWA NA rin ng parallel investigation ang National Bureau of Investigation (NBI) sa naganap na shootout sa Atimonan, Quezon.

Ito ang naging pahayag  ni NBI Death Investigation Division (DID) executive officer Atty. Danielito Lalusis.

Nagtungo na aniya ang NBI-Quezon sa Atimonan para sa sarili nitong pagsisiyasat.

Samantala, papasok rin sa nasabing imbestigasyon ang National Police Commission (NAPOLCOM).

Sinabi ni NAPOLCOM Vice Chairman Eduardo Escueta na inatasan na niya ang regional office sa Calamba na mag-verify sa impormasyon kung rubout ba o shootout ang engkwentro noong Linggo na ikinasawi ng 13 kabilang ang tatlong pulis at isang sundalo.

Aalamin din ng NAPOLCOM kung may kinalaman sa ilegal na sugal ang puno’t dulo ng krimen.

Sa nasabing pagsisiyasat din aniya makikita kung may pagkukulang o pag-abuso ang mga kapulisan o kung naging tama ba o hindi ang operasyon.

Samantala, bukod sa NBI at NAPOLCOM, gagawa na rin ng hiwalay na imbesitigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) sa nangyaring insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.