NBI, Nakialam na Rin sa Kaso ng Pinatay na Advertising Exec

NAKIKIPAGTULUNGAN NA rin ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pagresolba sa kaso ng pamamaslang sa 25-anyos na senior account manager at marketing officer na si Kristelle “Kae” Davantes, na natagpuang patay sa bahagi ng Silang, Cavite kamakailan.

Nananatili pa ring blangko pa ang mga kinauukulan sa motibo at sa kung sino ang respon¬sable sa pamamaslang.

Matatandaan na dakong alas-6:00 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ni Davantes na tadtad ng saksak, nakatali ang mga kamay, may busal na panyo sa bibig, may marka ng sakal sa Brgy. Sabutan, Silang, Cavite.

Hindi rin umano hinalay ang biktima, subalit nawawala naman ang minamaneho nitong Toyota Altis (PIM-966) na kulay gold.

Samantala, nabatid naman na si Davantes ay senior account manager ng McCann Worldgroup Philippines MRM at marketing officer ng European Chamber of Commerce of the Philippines.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.