NBI Dir. Rojas, ‘Di Napigil sa Pagre-Resign

INAMIN NI Justice Secretary Secretary Leila de Lima na nabigo itong kumbinsihin si resigned NBI director Nonnatus Rojas na huwag na lamang ituloy ang kanyang isinumiteng “irrevocable resignation”.

Sinabi ni De Lima na tatlong beses nitong sinubukan na kausapin si Rojas subalit hindi na nagbago pa ang paninindigan ni Rojas para raw mapreserba ang kanyang integridad.

Maging si Pangulong Noynoy Aquino III aniya ay hindi umubra upang makumbinsi ang nag-resign na NBI chief matapos ang pormal na paghain ng kanyang resignation letter nitong nakalipas na Setyembre 3, 2013.

Nabatid na maging si Atty. Edmundo “Edmond” Arugay, deputy director for administrative services ay naghain na rin ng kanyang courtesy resignation na epektibo sa Setyembre 14.

Una rito, kinumpirma ng Justice Secretary na nasa tatlo hanggang apat na mga NBI deputy directors ang nag-leak ng impormasyon sa kampo ni Janet Lim-Napoles kaugnay ng pagpalabas ng warrant of arrest dahil sa kinakaharap na kasong serious illegal detention na naunang inihain ng whistleblower na Benjur Luy.

Ayon kay De Lima, ilang ulit nang nabanggit ang pangalan ng mga ito sa “trust and integrity issues”.

Samantala, tumanggi si De Lima na pangalanan ang mga ito na aniya’y pangunahing target sa panawagan na maghain ng kanilang courtesy resignation.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.