NBI at PNP, walang kompetisyon sa kaso ni Davantes

HINDI NA umano pinapatulan ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) ang mga bali-balita na nagkakaroon ng kompetisyon ang kanilang mga tanggapan sa pagresolba ng kaso ng pagpaslang sa advertising executive na si Kristelle “Kae” Davantes.

Sinabi ni Task Force Kae head C/Supt. Christopher Laxa na hindi na isyu kung ang unang nakakuha ng lead ay NBI o PNP dahil iisa lang naman ang layunin ng kanilang mga ahensya at ito ay bigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Davantes.

Maaalala na sa kaso ng paghuli sa tinaguriang ryena ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles ay lumutang ang isyung nawalan ng tiwala ang ilang opisyal sa NBI kaya sa PNP na lamang ipinagkaloob ang kostudiya matapos sumuko ang salarin.

Una rito, may nagbibigay umano ng leak information sa kampo ni Napoles mula sa NBI kaya hindi ito nahuhuli ng mga ahente.

Para naman kay Laxa, nagpapasalamat sila sa malaking tulong ng NBI at hangad nilang marami pang mga kaso ang masolusyunan sa pamamagitan ng magkatuwang nilang pagsisikap.

Samantala, tiniyak din ng dalawang kampo na walang fall guy sa kanilang mga nahuli dahil nagtutugma ang testimonya ng bawat isa sa mahahalagang punto, bagay na nagbibigay liwanag umano sa tunay na pangyayari sa kaso.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.