NBI at Ombudsman, Sanib-Puwersa sa Pork Barrel Scam

IPINANUKALA NI Justice Secretary Leila de Lima ang pagsasanib- pwersa ang National Bureau of Investigation (NBI) at Office of the Ombudsman sa pagsisiyasat hinggil sa umano’y maanomalyang paggamit ng pork barrel ng ilang mambabatas.

Ito ay kasunod na rin ng report ng Commission on Audit (COA) na P6.156 bilyong pondo ang nailipat ng pitong ahensya ng gobyerno sa 82 non-government organizations (NGOs). Dawit anila rito ang pork barrel ng 12 senador at 118 kongresista.

Iginiit ni De Lima na kailangan ng mas malalim na pagsisiyasat sa pok barrel scandal.

Sinabi ng kalihim na gagamiting “major reference” ang COA report.

“Documents in COA’s possession — lawmakers’ letters designating implementing agencies and NGOs, requests for release of funds and SAROs (Special Allotment Release Orders) — will corroborate and strengthen the whistleblowers’ statements and NBI’s own documentary evidence,” ani De Lima.

Samantala, partikular na tinututukan sa nasabing isyu ng pork barrel si Janet Napoles Lim na umano’y may 10 NGOs na nakatanggap ng mahigit P2 bilyon noong 2007 hanggang 2009.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.