NBI Agent, Sinibak ng Ombudsman

PINATALSIK NG Ombudsman sa serbisyo ang isang ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pagkakasangkot sa kidnap for ransom.

Base sa 9-pahinang desisyon, nakakita ang Ombudsman ng sapat na ebidensiya para patawan ng guilty si NBI Special Investigator 3 Junel Malaluan sa kasong grave misconduct.

Nag-ugat ang naturang kaso sa sulat ni dating NBI Director Nestor Mantaring na nagrerekomenda ng pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo laban kay Malaluan dahil sa paglabag sa Article 267 ng Revised Penal Code kaugnay ng pagkidnap sa isang Panayangan Demasar.

Lumitaw sa pagsisiyasat na sapilitang tinangay si Demasar at pinatutubos ng P1 milyon na naibaba sa P340,000 matapos magkatawaran.

Humingi ng tulong sa Philippine National Police-Police Anti-Crime and Emergency Response (PNP-PACER) ang asawa ng biktima at nagkasundong gawin ang bayaran sa NBI Compound sa Taft Avenue, Maynila.

Ibinase naman ng Ombudsman ang desisyon sa ulat na isinumite ng Internal Affairs Division ng NBI at PACER.

Bukod sa pagpapatalsik, sinampahan na rin ang NBI agent ng kidnapping for ransom sa Imus-Cavite Regional Trial Court.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.