Nawawalang Record ni CGMA sa Sandiganbayan, Narekober

NAHANAP NA ang sinasabing nawawalang original records sa preliminary investigation na naglalaman ng mga ebidensiya laban sa dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.

Ayon kay Sandiganbayan Fourth Division executive clerk of court Atty. Joffre Gil Zapata, hindi sinasadya ng Office of the Ombudsman na maiwala ang mga mahahalagang court records.

Paglilinaw ng anti-graft court, aksidente nilang naiwan ang mga dokumento sa docket section ng Sandiganbayan at ito ang dahilan kung kaya’t napagkamalan itong nawawala.

Matatandaan namang naging maugong na nawawala ang nasabing mga dokumento makaraang maghain ng manifestation ang prosecution team para bawiin ang mga dokumento mula sa korte.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.