Nawawalang Mangingisda, Natagpuang Bangkay sa Sarangani

BANGKAY NA nang lumutang ang dalawang ma-ngingisda nang matagpuan kahapon ng umaga na naiulat na nawawala nitong nakalipas na Lunes sa Sarangani province.

Base sa report ni C/Inspector Loreve Rojo, may hawak ng kaso mula sa Maasim Police Station, sa Camp Crame, natagpuan ang mga bangkay sa karagatang nasasakupan ng Malbang Maasim, Sarangani province.

Nakiusap naman ang mga pamilya at kamag-anak ng 2 nalunod na mangingisda na may gulang na 63-anyos at 41-anyos na huwag nang banggitin pa ang kanilang mga pangalan at igalang na lang ang kanilang pagdadalamhati.

Sinasabing pumalaot ang 2 biktima na pawang magkapit-bahay at residente ng Barangay Poblacion Kablakan, Maasim ng nasabing lalawigan nito pang nakalipas na Disyembre 5, subali’t ‘di na nakauwi pa at nang matagpuan kahapon pasado alas-6 ng umaga ay pawang mga bangkay na.

Sa ngayon inaalam na ng mga awtoridad kung may foul play sa pagkamatay ng dalawa o sadyang nasira lang ng malalakas na alon at ihip ng hangin ang bangka ng mga ito na ‘di na rin natagpuan pa.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.