Nawawalang driver, patay na nang lumutang sa creek

PATAY NA NANG makita ang isang nawawalang driver matapos lumutang sa creek sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang biktima na si Francisco Decena, 56, ng Samatad Compd., ng nasabing lungsod.

Sa ulat, alas-2 ng hapon nang lumutang ang bangkay ng biktima sa maruming creek sa Lapu-Lapu St., nasabing lungsod.

Isang residente ang nakakita sa bangkay na naging dahilan upang ipaalam kay Kagawad Rommel Del Prado ng Brgy. 14 na agad namang itinawag sa mga pulis.

Nabatid na January 8, 2011 nang huling makitang nakiki-pag-inuman ang biktima sa ilang kaibigan at hindi na ito nakauwi hanggang sa makitang patay sa creek.

Inaalam na ng mga pulis ang ikinamatay ng biktima.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.