Nawawalang Cafgu, Natagpuang Patay sa Camsur

PATULOY NA iniimbestigahan ng mga kinauukulan ang pagkakarekober sa bangkay ng isang Cafgu sa Camarines Sur.

Base sa impormasyon, alas-3:30 kamakalawa nang makuha ang bangkay ni Roberto Bongadillo, 29, at aktibong miyermbro ng Cafgu na nakabase sa Casay Detachment, Casay, Lupi.

Positibo naman itong kinilala ng kanyang pamilya makaraang makuha ang bangkay sa liblib na lugar.

Napag-alaman na A-bril 8 pa nang i-report ng pamilya ng biktima ang biglaan nitong pagkawala hanggang sa natagpuan na lamang ang katawan nito na may saksak sa kanyang balikat, may taga sa leeg at nakapiring pa ang mga mata.

Samantala, kaugnay nito, malaki ang paniniwala ng pamilya na rebelde ang nasa likod sa pagpatay sa biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.