Nawala na raw kasi ang macho image Mga project na para kay Piolo Pascual, napupunta kay Coco Martin?!

GRABE ANG sobrang taba ni Andy Eigenmann. Para siyang inusog na aparador sa sobrang laki nito matapos na manganak. Pero hindi nagpahuli ang laki ni Claudine Barretto dahil parang drum naman ang nakababatang kapatid na ito ni Gretchen Barretto.

Usap-usapang kaya raw tumaba nang husto si Andi ay bukod sa bagong panganak ay na-depress ito sa problemang hinarap bago pa isilang ang sanggol. Habang si Claudine naman ay problemado pa rin hanggang sa ngayon, dahil hindi nito mailabas ang totoong situwasyon nila ni Raymart Santiago.

MALDITO AT maldita din naman ang ilang nakapanood ng concert ni Sharon Cuneta at Martin Nievera. Kung saan hindi mataong lugar, doon sila nagkukuha ng pictures, kaya lumabas tuloy na mega flop ang show ng Megastar.

In fairness naman, hindi naman super flop ang nasabing concert dahil may 50 percent naman ang nanood. Pero kung ang pagbabasehan ay ang concert ni Anne Curtis, talbog na talbog ng sintonado ang Megastar sa dami ng mga tao.

Mas tinatanggap ngayon ng mga manonood ang mga sintonadong tulad ni Anne lalo pa at nagpapakatotoo sa pagsasabing trying hard lang siya na maging singer.

“Ay, ayoko na pong mag-comment tungkol kay Ate Lea (Salonga) dahil inaaway na po siya ng mga fans ko sa twitter. Huwag naman po, kasi respetadong tao si Ate Lea at ayokong magalit siya sa akin. Huwag na po nating pag-usapan ang mga bagay na hindi naman dapat talaga,” tuluy-tuloy na pahayag iyon ni Anne nang huli namin itong makausap.

Sa kabilang banda, tuloy na pala ang concert tour ni Anne sa Amerika. “Sabi ko nga po ay first and last ang concert na iyon. Hindi naman po ako singer.” Sabi pa uli ng dalaga na ayaw nang magsalita pa tungkol sa napipintong concert tour sa Amerika, dahil alam naman daw niya sa kanyang sarili na hindi siya mang-aawit na tulad ni Lea Salonga or ni Sharon Cuneta.

MABAIT SI Piolo Pascual pero hindi pasaporte ang bait na iyon para mabawi pa ng aktor ang nawala niyang macho image mula nang magbigay-komento si KC Concepcion sa tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan.

Last year pa nangyari ang breakup at pagsasalita ni KC, pero hanggang ngayon ay latay pa rin sa pagkatao ni Piolo ang mga binitiwang salita ng aktres partikular na sa gender ng aktor.

“Pinalabas nilang may nililigawang bago si Piolo, pero wala pa ring nangyari. I mean hindi na mabubura pa sa isipan ng mga tao ang mga sinabi noon ni KC,” sabi ng aming source.’

Ayon pa sa aming source, tiyak na maapektuhan ang mga gagawing project ni Piolo lalo na ang soap operang pagsasamahan nila nina Jericho Rosales dahil baka mabigyang-kulay ito nang isyung kabaklaan.

May nagbulong sa amin na timing ang pagpasok ni Coco Martin sa Dos, dahil ang mga project na para kay Piolo ay may Coco na sasalo. In short, si Coco na ang bagong Piolo ng Dos. Tsuk!

More Luck
by Morly Alinio

Previous articleChaperone ang buong pamilya Sarah Geronimo at Gerald Anderson, natuloy rin ang Valentine’s date!
Next articlePosible raw mahulog ang loob sa binata Jessy Mendiola, aminadong crush si Gerald Anderson

No posts to display