Navoteño, Hiniling na Maghinay sa Paputok sa Bagong Taon

UMAPELA SI Navotas City Mayor John Rey Tiangco sa kanyang constituents na huwag gagamit ng mga malalakas na paputok at sa tamang lugar o free zone lamang puwedeng magpaputok ng firecrackers sa Bagong Taon para maiwasan ang disgrasya.

Inatasan ni Tiangco ang mga lokal na opisyal ng 14 na barangay sa Navotas na maglagay ng firecraker zone sa kanilang nasakupang barangay upang masiguro na ligtas ang mga Navotenos sa pagpapaputok ng mga iba’t ibang uri ng paputok.

“It means, our residents can enjoy welcoming the New Year at the firecracker zones which should be open from 11:30 p.m. of Dec. 31 up to 12:15 a.m. of January 1,” ayon pa kay Tiangco.

Ibig sabihin ng alkalde, maging konsernado ang mga lokal na opisyal sa seguridad at kaligtasan ng kani-kanilang mga residente kung saan ang paputok ay maaaring dahilan ng pagkamatay at pakawala ng mga ari-arian.

Ito ay inisyatiba din ng DILG Memorandum Circular No. 2011-173 bilang pagtugon sa RA 7183, na nagre-regulate sa paggawa, pagbebenta, distribusyon at paggamit ng firecraker.

“The forerunners of the city government’s drive against the use of prohibited firecrackers – Task Force Disiplina, City Traffic and Parking Management Office, Mayor’s Office, Local Disaster Risk Reduction Management Office, Bureau of Fire Protection and Philippine National Police – had earlier conducted a meeting concerning their schedule of operation in the coastal city to ensure that only firecrackers and pyrotechnic devices listed in RA 7183 are available to Navoteños,” dagdag pa ng punong lungsod..

Magsasagawa rin ang pamahalaang lungsod ng motorcade sa De. 31, 2012 para ipaaalam sa mga residente ang idudulot ng pagpapautok ng mga malalakas na firecrackers at hinikayat din ni Tiangco ang mamamayan na gumamit ng torotot para iwas disgrasya.

“Let us make the health and safety of our children, families and communities our top priority during this festive season,” sabi pa ni Tiangco.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.