Navotas, zero evacuees

SA KABILA NG lakas ng ulan dala ng bagyong Falcon, walang inilikas na residente sa Navotas dahil sa kanilang mga pumping station na nakakalat sa nasabing lungsod.

Ayon kay Navotas Mayor John Rey Tiangco, simula nang gumana ang kanilang 23 bombastic pumping station ay hindi na sila masyadong nagagambala sa tuwing may malakas na bagyong hahagupit sa ating bansa.

Sa pamamagitan kasi ng bombastic pumping stations ay madali na nilang naibabalik sa dagat ang tubig ulan dahilan upang hindi na masyadong nakararanas ng matinding pagbaha ang naturang lungsod.

Bago nagkaroon ng bombastic pumping stations ay nakilala ang Navotas sa pagkakaroon ng matinding pagbaha hindi lamang sa tuwing may parating na bagyo kundi maging kapag nagkakaroon ng high tide.

Dahil dito, pinondohan ng lokal na pamahalaan ang mga nasabing pumping stations dahilan upang hindi na masyadong nakararamdam ng matinding pagbaha ang lungsod.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.