Navotas, umapela ng tulong sa BFAR

HUMILING NG TULONG si Navotas Mayor John Rey Tiangco sa mga opisyal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para isalba ang kanilang fish port industries sa pamamagitan ng paniniguro sa publiko na ang itinitindang isda sa loob ng Navotas Fish Port ay hindi kontaminado ng malawakang fishkill sa Batangas at Pangasinan.

“Please help us allay the fear of the public that they might get ill or poisoned when they buy our fish. I call on them to assure the consumers that the bangus and tilapia sold in Navotas Fish Port are safe to eat,” wika ni Tiangco.

Ang nasabing kahili-ngan ay base sa natanggap na ulat ni Tiangco na ang mga consumers ay natatakot na bumili ng mga nasabing isda sa kabila ng unang siniguro na ni Tiangco na ligtas kainin ang mga ipinagbibiling isda sa nasabing fish port.

“Kawawa naman ang mga traders natin dahil daan-daang banyerang bangus at tilapia ang nabubulok sa pantalan hanggang sa langawin na lang,” dagdag pa ni Tiangco.

Napag-alaman na 80 porsiyento ng isda na ipinagbibili sa Navotas Fish Port ay galing sa Mindanao at 20 porsiyento naman ay galing sa Visayas.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.