Navotas, todo-tulong sa mga biktima ni ‘Pedring’

NAGSAMA-SAMA ANG IBA’T ibang sektor ng gob-yerno sa lungsod ng Navotas sa pagbibigay-tulong sa mahigit 1,500 pamilyang nasalanta ng bagyong Pedring nitong nagdaang araw ng Martes.

Ito ay pinangunahan ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco, Philippine Navy, Philippine Air Force, Coast Guard, Navotas Fire and Rescue Volunteers, PNP-Navotas at iba pang grupo na boluntaryong tumulong sa kasagsagan ng bagyo para mailikas sa ligtas na lugar ang mga residenteng apektado.

Inatasan din ni Tiangco ang tanggapan ng City Social Welfare and Development Office, para mamigay ng GMA relief goods at pagkain habang ang City Health Office staff ay ipinakalat sa 15 evacuation centers upang magbigay ng serbisyong medikal at suplay ng gamot. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.