Navotas, Target ng Comelec Oplan Baklas Poster

NILIBOT NG Commission on Elections (Comelec) ang ilang bahagi ng Navotas City kahapon para isagawa ang malawakang pagbaklas ng mga illegal poster ng mga kandidato na tumatakbo sa 2013 midterm elections.

Sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez na marami silang natatanggap na sumbong mula sa nasabing lugar kaya ito ang dinayo ng kanilang mga tauhan.

Nilinaw naman ng law department ng komisyon na tuluy-tuloy ang kanilang pagbabaklas sa iba pang mga lugar ngunit limitado lamang ang mga tauhan ng poll body.

Samantala, katuwang naman ng Comelec ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways (DPWH).

Kasalukuyang napadalhan na ng abiso ang ilang natukoy na campaign violators at kung hindi aaksyon ang mga ito ay election offense ang posible nilang kaharapin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.