Navotas sports camp, kontra-droga

ISINUSULONG NI NAVOTAS City Mayor John Reynald M. Tiangco, ang Navotas Sports Camp, isa sa pangunahing programa para maging isang drug free community ang lungsod na inilunsad kamakailan

Kasabay nito, ginawaran ng Philippine Drug Enforcement Unit ang Navotas Anti-Drug Council, isang special committee na pinamumunuan ni Mayor Tiangco, ng isang natatanging parangal bilang isang lungsod sa National Capital Region na may ‘di matatawarang dedikasyon sa pagtataguyod ng mga gawaing pampalakasan upang iiwas ang mga kabataan sa masasamang bisyo tulad ng paninigarilyo, alcohol at drugs.

Layunin din ng nasabing programa na maturuan ng disiplina, pakikipagkaibigan at sportsmanship ang mga kabataan. Dagdag pa ni Mayor Tiangco, “nais ng programang ito na palawakin ang opportunity ng mga kabataang Navoteño at makapag-produce ng world-class athletes.”

Ayon kay Ms. Jennifer Serrano, Special Assistant to the Committee Chairman of NADAC, ang Navotas Sports Camp na mayroong limang sports clinics – swimming, basketball, volleyball, table tennis at badminton ay tatanggap ng mga aplikante hanggang ika-26 ng Agosto at magbubukas ng 3 levels – beginner, advance at competitive classes sa ika-3 ng Setyembre.

Ang Navotas Sports Complex ang magsisilbing venue para sa basketball, table tennis at volleyball classes, Tumana Youth Center para sa swimming classes at RS Badminton Court para sa badminton classes.

Mahigit 400 na Navoteño ang target na mabigyan ng libreng programang ito ng Navotas City Government na bukas sa lahat ng may edad 7 hanggang 21. (MARY H. SAPICO/ ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.