Navotas Relief Operations, Patuloy

PATULOY ANG pamimi-gay ng mga relief goods ng City Social and Welfare and Development Office ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyong Pedring, Gener at ng habagat.

Higit 800 pamilya pa rin ang kasalukuyang nani-nirahan sa mga covered court sa lungsod matapos ang magkakasunod na kalamidad.

Hinikayat ng alkalde ang mga nasabing pamilya na manatili sa mga pansamantalang evacuation centers kahit hindi lahat sila ay nawalan ng tirahan kaysa sa isugal ang buhay sa mga darating pang sama ng panahon.

“The families whose houses were not damaged by the storm surge but located in dangerous areas were asked to remain in our centers for their safety,” ayon pa kay Tiangco.

Ang ilan sa mga pribadong kumpanya na naghandog ng tulong ay ang Bulgar, Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce & Industry, Food for the Hungry and Solid Shipping Lines, Inc.

Ang mga pamilya ay itatala sa mga waitlist bi-lang benepisyaryo ng mga housing programs sa ilalim ng pamahalaang lungsod at National Housing Authority (NHA), ani Tiangco.

“This project aims to provide decent houses to Navotenio families,” patuloy ng alkalde.

Higit 1,000 pamilya ang nailipat na sa mga relocation sites sa Brg. Tanza, Navotas at Bulacan sa ilalim ng housing program ng lungsod.

Nasa 1,600 housing units pa ang ginagawa sa pamamagitan pondong tulong ni Cong. Toby Tiangco, Habitat for Humanity at NHA para sa Navotaas Housing Site sa Brgy. Tanza, Navotas City at 219 locally-funded housing units sa San Roque Medium-Rise Residential Building na inaasahang matatapos at ia-awards sa Nobyembre ng taong kasalukuyan.

(MARY H. SAPICO)

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.