Navotas, Pinag-iingat sa Leptospirosis

PINAG-IINGAT NI Navotas Mayor John Rey Tiangco ang kanyang mga kababayan sa sakit na leptospirosis na nakukuha sa tubig baha na may ihi ng daga at iba pang sakit dulot ng baha.

Ginawa ni Tiangco ang pahayag kasunod ng ulat ng Department of Health na nagkaroon ng 125 porsyetong pagtaas sa mga kaso ng leptospirosis mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon.

May 2,002 kasong naitala sa buong bansa, kumpara sa 887 para sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, ayon sa DOH.

Ang mga kamatayan mula sa nasabing sakit, na karaniwang nakukuha sa kontaminadong ihi ng mga hayop na may sakit ay tumaas din mula 85 noong nakaraang taon patungong 97 ngayong taon.

Pinayuhan din ni Tiangco ang mga mamamayan na huwag ng lumusong sa baha kung wala namang importanteng pupuntuhan at kung lulusong ay hugasan ang mga paa at kamay ng malinis na tubig.

Tiniyak ng pamahalaang lungsod na magtatrabaho sila nang husto upang matiyak na walang residenteng tatamaan ng sakit dahil marami pa ring lugar sa lungsod ang lubog sa tubig-baha dahil sa walang tigil na ulan na pinalala pa ng high tide.

Inatasan na ng alkalde

ang mga kasapi ng local health office at health centers sa mga barangay  na panatilihing bukas ang kani-kanilang tanggapan para sa mga residente na nagnanais na magtungo upang magpasuri.      (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.