Navotas, Nakiisa sa Selebrasyong National Crime Prevention Week

BILANG SUPORTA sa Department of Interior Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP) at National Police Commission (NPC), nakiisa ang Navotas City Government at ibang mahahalagang kasapi para masiguro ang kapayapaan at katahimikan sa naturang lungsod.

Simula sa ika-7 ng Setyembre iba’t ibang paligsahan ang magaganappara sa pagbabantay sa taong ito ng National Crime Prevention Week.

Makikilahok rin ang ilang local government unit mula sa mga barangay, non-government organizations, at grupo mula sa iba’t ibang sektor na may kanya-kanyang adbokasiya kontra krimen at programa ng lungsod, kung saan magkakaroon ng motorcade na magsisimula sa Manila Central University sa kahabaan ng Caloocan, Malabon, at Valenzuela.

“The celebration with the theme “Crime Prevention, May Magagawa Ako” is solid statement that implies the contribution of the community to prevent crimes,” ani pa ni Mayor Tiangco.

“In Navotas recently, we have arrested more than 20 suspected drug pushers and users because of the tips or information coming from our concerned citizens,” dagdag pa ng alkalde.

Malaki rin ang naitulong sa pagsugpo ng krimen ng Text JRT na inilunsad noong 2010, kung saan sunud-sunod ang isinagawang operasyon kontra-droga ng lungsod katulong ang tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEA) at sa tulong na rin ng mga konsernadong residente.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.