Navotas, Nakahanda na sa Tag-ulan

NAKAHANDA NA ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ngayong panahon ng tag-ulan sa pamamagitan ng patuloy na paglilinis sa buong kapaligiran ng naturang lungsod.

Ayon kay Navotas Mayor John Rey Tiangco, bukod sa regular na paglilinis ng kalsada sa buong Navotas araw-araw ay tuluy-tuloy rin ang pagpapakita ng kanyang dedikasyon sa pagsunod sa Supreme Court mandamus na magsagawa ng malaking hakbang ang bawat lokal na pamahalaan na may lupaing malapit sa Manila Bay upang maibalik sa dati ang natural nitong ganda at maging ligtas na muling paliguan ng mga kabataan.

Kamakailan lamang ay muling nagsama ang mahigit 300 volunteers mula sa Barangay Sipac-Almacen, Sangguniang Kabataan, Samahan ng Mangingisda sa Buong Navotas, Brigada ng Kalinisan, Skeptron Fraternity at iba pa upang linisin ang coastal area ng nasabing barangay.

Ani ni Tiangco, “Dapat mamulat ang bawat isa sa kahalagahan ng malinis na kapaligiran. Bata man o matanda ay may napakahalagang papel na ginagampanan sa kampanyang ito.”

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.