Navotas, naglaan ng pondo sa social services

NAGLAAN NG PONDO ang Navotas City Government ng halagang P5 million para sa mga programa ng social services na nilagdaan nina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco na layuning matulungan ang mga residente ng lungsod.

Sa ginanap na flag raising ceremony noong Lunes ay parmal na nilagdaan ni Mayor John Rey at Congressman Toby ang Memorandum of Agreement (MOA) upang matugunan ang programa ng lokal na pamahalaan na itaas ang antas ng buhay ng mga Navoteño.

Kabilang sa mga sumaksi sa ginanap na MOA signing ang mga city officials and employees, iba’t-ibang organisasyon, school sector, barangay health workers at peace and order volunteers.

Kasama sa mga mapaglalaanan ng pondo na aabot sa P5.8 milyon ay ang financial assistance para sa paglalagay ng tubig sa BGA Fishport; pagbili ng tatlong mobile cars; financial assistance para matituluhan ang mga lote sa Kabisig, Tangos; financial assistance para sa mahihirap; Philhealth card and Hospitalization card at financial assistance para sa mga iskolar ng Navotas Polytechnic College (NPC).

Sinabi naman ni Congressman Toby na ang pondong kanilang inilaan sa social services ay nagmula sa kanyang congressional fund na layuning matulungan ang lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng serbisyo. (MARY H. SAPICO/ ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.