Navotas Mayor, nagbabala laban sa pagbebenta ng botcha

INATASAN NI NAVOTAS Mayor John Rey Tiangco ang city agriculture at market authorities na i-monitor ang mga palengke ang mga negosyante na nagbebenta ng isdang “botcha” na nagmumula sa Batangas at Pangasinan na sinasaksak ng formalin at isinasama sa mga sariwang isda.

Ang kautusan ni Tiangco ay kasunod ng mga balita na ilang tiwaling negosyante sa ibang lugar ay gumagamit ng formalin sa mga fish kill na galing sa dalawang nasabing lugar.

“Pinag-iingat ko ang mga taga-Navotas na maging maingat sa pagbili ng mga isdang botcha na ginagawang daing at sisig na isinasama sa mga sariwang isda,” sabi pa ni Tiangco.

Ang formalin ay nagdudulot ng iba’t ibang sakit at kung sinuman ang lalabag sa nasabing kautusan ay ipaghaharap ng kaukulang kaso.

“Madali namang malaman ng mga mamimili ang isdang botcha na may formalin dahil halos ang katawan ng isda ay malabsa, hindi na mapula ang hasang at iba na ang amoy,” wika naman ng mga eksperto. (ROMAN MAGPOC))

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.