Navotas, mahigpit sa ‘no helmet, no travel” policy

PINAKAMAHIGPIT ANG NAVOTAS City sa mga lungsod sa Northern Metro area sa pagpapatupad ng “no helmet, no travel” policy, hinggil sa mga nagmo-motor na hindi nagsusuot ng helmet.

Dahil na rin sa direktiba ni Mayor John Rey Tiangco sa mga traffic enforcer na huwag makukuha sa lagay kapag nakakahuli ng lumalabag sa batas na ito, marami ang nagagalit.

Kamakailan, binaril hanggang sa mapatay si Traffic Enforcer Crisanto Roxas na ikinasugat ng kanyang kasamahan na si Cahrlestone Lusuriaga, 28.

Hinuli ng mga biktima at tinekitan ang suspek na si Joel Castillo, 36, at ang kasamahan nito dahil mga walang suot na helmet sa panulukan ng North Bay Boulevard.

Pilit na sinusuhulan ni Castillo ang mga biktima upang huwag tiketan, pero hindi nagpakuha sa areglo ang mga traffic enforcer.

Umalis ang mga suspek, pero pagkalipas ng ilang minuto, bumalik ang mga ito at pinagbabaril ang mga biktima.

Noong nakaraang taon, sinibak sa trabaho ni Lone District Representative Toby Tiangco ang photographer ng city hall na si Roger Panizal.

Nabatid na hinuli rin ito ng mga traffic enforcer dahil wala itong helmet habang sakay ng kanyang motor.

Sa kasalukuyan umaabot na sa 4,000 ang nasita ng Task Force Disiplina dahil sa paglabag sa nasabing batas.

Nagbabala si Mayor John Rey Tiangco na walang sisinuhin ang sinumang lalabag sa batas kahit ito ay opisyal ng lungsod o pulis man.   (ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.