Navotas Kukuha Ng Iskolar Sa Mga Guro At Graduating Students

kukuha ang lokal na pamahalaan ng mga gagawing iskolar na graduating students at mga guro na gustong maragdagan ang kanilang kaalaman sa pagtuturo.

Kabilang sa mga kukuning pag-aaralin ng libre ay ang mga graduating students sa high school na may mataas na grado na maaaring makapag-aaral sa alinmang unibersidad sa Metro Manila.

Susuportahan din ng lokal na pamahalaan ang mga mahihirap na graduating 4th year high school na may mataas na marka kung saan ay makapag-aaral ang mga ito ng libre sa Navotas Polytechnic College.

Maging ang mga mahihirap na graduating elementary students na matataas ang grado ay bibigyan din ng iskolar ng lokal na pamahalaan kung saan ay makapag-aaral ng libre ang mga ito sa alinmang public schools sa lungsod.

“The city government believes that investing on the youths’ education today will bring forth the realization of its vision of raising the standard of living of the Navoteños, under our battle cry- Navotas: Itaas ang Antas ng Buhay Navoteño”, sabi pa ni Tiangco.

Maaari ring maragdagan ang kaalaman ng mga guro matapos na ianunsiyo ni Tiangco ang unang makakatanggap ng Scholarship Program for Teachers sa pamamagitan ng programang “Joint Effort in Retooling the Teachers through Enhancement Programs.

(MARY H. SAPICO)

UPANG LALO PANG mapaangat ang kalidad ng edukasyon ay inanunsiyo ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco na

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.