Navotas, Handa na sa Tag-ulan

DAHIL SA matinding pagpapaigting na preparasyon ngayon tag-ulan handa na ang pamahalaan lokal ng Navotas City, sa anumang sakuna na dumating nga-yong buwan at sa mga oras na darating na lumakas ang buhos ng ulan o maging bagyo at high tide.

Ito ay sa pangunguna ni Navotas Mayor John Rey Tiangco at ng pamunuan ng Navotas Flood Control Section at Local Disaster and Risk Reduction Management Council, handa na ang reserbang mga piyesa ng makina at gasolina ng lahat ng unit ng City Engineering Office (CEO).

Sa regular staff meeting ng lokal na pamahalaan ng Navotas na dinaluhan ng mga hepe ng bawat departmento, pinaalala-hanan ng alkalde ang CEO na siguruhing hindi barado ang mga kanal o daluyan ng tubignna nagiging sanhi ng pagbaha.

Dalawang bombastic stations ang binuksan na sa Barangay Sipac-Almacen, lungsod ng Navotas bilang karagdagan sa 37 bombatic pumping stations na nakapalibot sa lungsod.

Ang bombastic pumping stations ay proyekto ng dating Mayor at ngayo’y Kinatawan ng Navotas na si Cong. Toby Tiangco na ipinagpatuloy ng kanyang kapatid na kung saan 23 na unit na ang naipagawa.

Nakipagpulong na rin sa tanggapan ng Meralco upang masiguro ang kani-lang pagtugon sa mga sulat ng lokal na pamahalaan ukol sa mga buhol-buhol at mababang kawad ng kur-yente para sa kaligtasan ng mamamayan sa panahon ng malalakas na hangin at bagyo.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.