Navotas handa na sa ika-105th anibersaryo

HANDANG-HANDA NA ANG lungsod ng Navotas City na tinaguriang Fishing Capital of the Pihilipines sa darating na 105th founding anniversary kung saan isang linggong kasiyahan ang gaganapin mula January 9, hanggang 16, 2011.

Pangungunahan ni Navotas City Mayor John Rey Tianco ang grand parade na lalahukan din ng lahat ng sektor at ng lokal na mga opisyal ng lungsod na gaganapin sa January 16, ganap na ala-1:00 ng hapon.

Ang Pangisdaan Festival ay pagkakalooban ng isang linggong kasiyahan na may temang “NAVOTAS, Itaas ang antas ng buhay Navoteños.”

Lalahukan ang nasabing programa ng mga sumusunod, Aerobics Marathon, Ecumenical Service, Blessing & Inauguration of Modern Police Headquarters, Mega Job Fair, Opening of Tianggian, Pistang Kristiyano, Motorcade, Talentadong Navoteño, Inter-School Swimming Competition, Kasalang Bayan/Sunset Wedding at the Park, Perlass de Navotas Talent Night, Re-Launching of Navotas Hospitalization Program, Drum and Lyre Competition, Mutya ng Navotas Talent Night, Karera ng Bangka, Perlas de Navotas Coronation Night, Pangisdaan/Street Dancing Competition, Mutya ng Navotas Coronation Night, Children’s Day, Variety Show at Fireworks Display.

“I strongly believe that our city can achieve full potential for growth and development if we continue to develop and enhance the Navotas’ greatest asset – its people; the Navoteños,” ani Tiangco.

Matatandaan na ang Navotas City ay nagkamit din ito ng iba’t ibang parangal na naging dahilan ng pagiging produktibo ng nasabing lungsod.

(MARY H. SAPICO/ ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.