Navotas employees, pinapasailalim sa oryentasyon sa SALN

IPINAG-UTOS NI Navotas Mayor John Rey Tiangco na nagsagawa ng orientation ang pamahalaang lungsod hinggil sa paggamit ng Revised Statement of Asset, Liability and Networt (SALN) ng mga empleyado ng city hall.

Ang nasabing orientation ay isinagawa noong nakalipas na Marso 17, 2012 kung saan ay naging panauhing tagapagsalita si Director Elnora B. Gotis, ng Civil Service Commission, Caloocan City.

Ayon kay Tiangco, mahalagang maunawaan ng mga empleyado ng pamahalaang lungsod ang Revised SALN Form para maiwasan ang misdeclaration ng kani-lang Assets and Liabilities.

Ipinaalala naman ni Director Gotis ang mga kaparusahan sa sinumang opisyal o empleyado na hindi magsumite ng kanilang SALN, ang suspensiyon ng isang buwan at isang araw hanggang anim na buwan sa unang paglabag at pagkasibak sa serbisyo para sa pangalawang pagkakataon.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.