Navotas City Councilors’ Cup, Sisimulan Na

SISIMULAN NA ngayong araw ng Lunes (Setyembre 3, 2012) sa lungsod ng Navotas ang paglunsad ng unang City Councilors’ Cup, upang palakasin at paigtingin ang mga lokal na programang nagsusulong sa palakasan, malusog na pamumuhay at kapayapaa’t kaayusan.

Ang patimpalak pampalakasan, na kinabibilangan ng dart, chess, volleyball at basketball ay pangungunahan nina Konsehal George So, Ricky Gino-gino, Eddie “Tarok” Mano, Elsa Bautista-Teodoro at Richard San Juan.

Ang aktibidad ang magi-ging highlight ng isang linggong pagdiriwang ng City Councilors’ Week (Setyembe 3 -7) na nagsimula hapon, Setyembre 2, sa pamamagitan ng fun bike activity mula Navotas City hanggang San Juan City, na tatawaging “Sama na, Sali na, Padyak na! Sama-samang Itaas ang Antas ng Buhay-Navoteño!”

Ayon kay Mayor John Reynald Tiangco, lubos siyang nagagalak sa pagkakaisa ng city councilors upang maglingkod sa mga Navoteño at binigyang-diin na “cooperation is key to successful projects and programs”.

“These activities symbolize the unity of city councilors, our servant leaders, in uplifting the lives of every Navotenio,” aniya.

Isang  medical at dental mission din ang isasagawa nina Councilors Dr. Reynaldo “Rey” Monroy at Steve Naval sa ikatlong linggo ng Setyembre.

Ang ibang aktibidad na nakalinya para sa nasabing pagdiriwang ay ang anti-dengue campaign ni Coun. Boy Vicencio at pamamahagi ng notebooks at writing kits sa mga Navotas City Day Care Centers students na tatawaging “Skulilitz Program” ni Coun. Marielle del Rosario-Tumangan.

Gagawaran ng mga certificates of appreciation ang mga city councilor na nag-organisa ng mga nasabing aktibidad na nakatakda sa ngayong araw, alas-8 ng umaga sa Navotas City Hall Ground at ito’y susundan ng parade ng mga organizers at makikilahok sa lungsod.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.