Navotas, bumuo ng livelihood committee

BUMUO ANG LOKAL na pamahalaan ng Navotas ng isang livelihood committee na siyang magtuturo sa bawat barangay ng kaalaman sa paggawa ng iba’t ibang produkto para maitaas ang antas ng kabuhayan ng bawat residente ng nasabing lungsod.

Sa darating na Agosto 26, pormal na ilulunsad ng nasabing committee ang “One Barangay, One Product”, isang livelihood project na siyang magpo-promote ng produkto ng 14 na barangay.

Magbibigay rin ang livelihood committee ng mga seminar na siyang magtuturo sa bawat miyembro kung anong produkto na gugustuhin nila.

Ang bawat barangay na sasali sa nasabing proyekto ay kailangan maglagay ng stall sa Navotas City Hall Lobby 7 para ipakilala ang kanilang produkto at siyang magiging simulang kanilang negosyo. (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.