Navotas, Angat sa Pagseserbisyo

LALONG UMAANGAT ang antas ng pamahalaang lokal ng Lungsod ng Navotas sa pagbibigay-serbisyo sa buong Metro Manila, matapos iprisinta ng tanggapan ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa nasabing lungsod ang resulta ng antas na kanilang nakuha kamakailan.

Ayon kay Mr. Cesar Schneider, LGOO VI at Mr. Marlon Gatpandan ng DILG kay Mayor John Rey Tiangco at city head ng tanggapan ng frontline services, umabot sa 99.35 % ang itinaas ng lungsod sa pagiging mahusay at pagpapanatiling nagpapatupad ng Anti-Red Tape Act (ARTA) 2007.

Sa 17-lokal government unit sa Kamaynilaan, tanging ang Navotas City ang mas mataas ang antas sa pagpapatupad ng batas at sa pagiging transparency nito, ngayong taon 2012.

Sinabi pa ni Mr. Schneider, na ang ARTA survey ay base sa isinagawang panayam sa mga tanggapan ng “frontline services” na kanilang mga kliyente kung paano nagiging transparent at nagagamit sa tama ang mga pondo ng pamahalaan lokal ng lungsod.

Magugunita na nitong nakalilipas na Enero 3, 2012, una sa apat na mga binigyan ng pagkikila ang Navotas City bilang ‘Seal of Good Housekeeping Award’ sa Metro Manila.

“Ang pagrerebisa ng ‘Citizen’s Charter’ ay hindi lamang para masunod ang batas kundi kung paano ito buhayin at iangat ang lungsod at maibigay ang tamang serbisyo sa mamamayan na nakangiti,” ani pa ng alkalde.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.