Navotas’ 1st Women Entrepreneurship Summit, Dinaluhan ng mga Artista

DINALUHAN NG mga sikat na showbiz personalities ang kauna-unahanang Women Entrepreneurship Summit, upang makilahok at magbigay ng kanilang mga karanasan hinggil sa pagnenegosyo at bilang isang artista na ginanap kamakailan sa Navotas Sports Complex.

Hindi nabigo si Navotas City Mayor John Tiangco sa pag-imbita sa ilang personalidad sa industriya ng showbiz, kabilang sina Ms. Gladys Reyes at Ms. Francine Prieto.

Sa nasabing programa, nagbigay ng kanilang inspirasyong mensahe sina Reyes at Prieto. Sinabi ng mga ito na ang buhay sa industriya ng showbiz ay hindi panghabambuhay at walang katiyakan kung hanggang saan ang iyong karera.

Ayon pa kay Reyes, sa kabila ng pagiging matagal na nito sa industriya, kung saan 6-na taon na gulang pa lamang siya noong magsimula ay ginamit pa rin niya ang kanyang talino para magpundar ng negosyo para na rin sa kinabukasan ng kanyang sariling pamilya.

Gayon din si Prieto, kahit pa nagsosolo ito sa kanyang buhay ay habang wala pang asawa ay sinasamantala niyang malibang sa pagnenegosyo subalit kumikita pa rin kasabay ng kanyang pag-aartista at modelo ng iba’t ibang beauty products.

Kasabay nito, binigyan din ng pagkilala ni Mayor Tiangco ang lahat ng nag-ambag sa naturang programa.

Higit sa lahat, naging matagumpay ang nabanggit na summit na kung saan karamihan sa mga Navoteñong kababaihan lalo na ang mga maybahay na pursigidong pumasok sa negosyo dahil bukod sa malaking tulong sa kita-pinansiyal sa kanilang pamilya, nagkaroon pa sila ng libangan sa araw-araw ng kanilang pamumuhay.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.