Naudlot na Misyon ng DOJ, Isinisi sa mga Kiram

UMAASA ANG Department of Justice (DOJ) na hindi maaapektuhan ng bakbakan ng Sulu Royal Security Forces at Malaysian Police sa Sabah ang kaso ni Manuel Amalilio na itinuturong utak ng P12 bilyong pyramiding scam sa bansa.

Ayon kay DOJ Secretary Leila de Lima, patuloy silang gumagawa ng paraan para mapauwi ng bansa si Amalilio.

Gayunman, hindi aniya maiwasang ikonsidera ang mainit na sitwasyon sa Sabah sa pakikipag-negosasyon ng grupo ng DOJ sa Malaysian counterpart.

Sinabi ni  De Lima na ang krisis sa Sabah na kinasasangkutan ng grupo ni Sultan Jamalul Kiram III ang dahilan kung bakit naudlot ang pagpunta ng ilang kinatawan ng DOJ sa Malaysia nitong Martes para sana talakayin ang kaso ni Amalilio.

Samantala, sa kabila nito, tiniyak naman ng kalihim sa mga nabiktima ng pyramiding scam na patuloy nilang tutugisin si Amalilio para mapapanagot sa patung-patong nitong kaso ng Syndicated Estafa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.