Naudlot ang pagsikat… Albie Casiño, pinatalsik ni Enrique Gil sa movie nina Kathryn at Julia!

TULUYAN NA NGANG napatalsik si Albie Casiño sa upcoming movie na pagbibidahan nina Kathryn

Bernardo at Julia Montes, kung saan gaganap sana siya bilang isa sa leading man. Dahil kaya

ito sa intrigang kinakaharap niya about Andi Eigenmann’s pregnancy? Malabo! Kasi, parte raw

ito ng eksperimento kung saan itatambal sina Kathryn at Julia sa ibang young actor. Samantala, ang

kapwa baguhang si Enrique Gil ang pumalit sa role ni Albie at si Sam Concepcion naman na kasama nito

sa youth oriented show na Good Vibes ang ipinalit sa namayapang si AJ Perez na orihinal na kasali

rin dito. Untitled pa rin ang muling pagsasamahang project nina Mara at Clara, pero ayon sa mga tsika eh, magkapatid daw ang dalawa sa nasabing pelikula na ididirek ni Direk Jerry Lopez Sineneng. Gaano kaya ka-excited ang mga bagets?

 

Photos by Mark Atienza & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Naudlot ang pagsikat… Albie Casiño, pinatalsik ni Enrique Gil sa movie nina Kathryn at Julia!

  1. Ang Pangit Naman ni Enrique Jill Mas Gwapo si Albie!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Dapat si albie nalang.. Ang tanda na nyang enrique gil na yan

Leave a Reply

Your email address will not be published.