Naubusan ng dugo Guro, patay sa panganganak

PATAY ANG 29-ANYOS na teacher nang maubusan ito ng dugo sa pa-nganganak, samantalang buhay naman ang sanggol, bunga umano ng kapabayaan ng lady doctor, sa reklamo ng mister nito sa pulisya sa Marikina City kahapon.

Sa record ng pulisya, kinilala ang namatay na si Jennifer Pelayo, 29, guro at nakatira sa # 28 MLQ St., Brgy. Parang ng lungsod.

Ayon sa reklamo ng OFW na mister na si Anthony Pelayo kay P03 Aladin Alingas, desk officer dakong 10:30 ng umaga ng ideklara ng lady doctor ng Amang Rodriguez Medical Center na patay na ang kanyang misis dulot ng pagkaubos umano ng dugo.

Nabatid na pinabili siya ng dugo sa Red Cross sa Pasig at pagbalik nito sa ospital ay ilang ulit siyang nag-buzzer sa operating room at paglabas ng doktora ay idineklara sa mister na patay na ang misis nito.

Nauna rito, ipinasok sa ospital ng mister ang manganganak na misis sa “first baby” dakong 4:00 ng hapon nitong April 1, 2011 at dakong 11:00 ng gabi ng ipasok ito sa loob ng ope-rating room para sa panganganak ng asawa.

Mula aniya ng nabanggit na oras ay hindi na sila kinausap ng doktora at hindi rin sinabi na ooperahan ang misis nito.

Dakong 9:30 April 2, 2011 ng umaga kinabukasan ay kinausap siya ng lady doctor at pinabili ito ng dugo dahil sa “loss of blood” ng misis at para maisalba sa kamatayan ay kinakailangan itong operahan at tanggalin ang “ovary” dala ng walang ampat na pagtagas ng dugo.

Sa personal na interview ng pahayagang ito kay Mr. Anthony Pelayo, sinabi umano ng doktora na buhay at nanganak na ang misis.

Kasabay nito, nananawagan ang mister ng namatay na guro sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang pagkamatay ng kanyang asawa upang magkaroon ng hustisya.

Naniniwala ang pamilya Pelayo na malaki ang kasalanan ng doktora at may kapabayaan kaya namatay ang kanyang misis. (SAMION TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.