Natukso sa gold bar OFW at Trader, Inagawan ng P200-K

HALOS ATAKEHIN sa puso ang magkapatid na negosyante ang Overseas Filipino Worker (OFW) nang matauhang nabiktima sila ng Budol-Budol Gang at matangayan ng kabuuang halaga na P200,000 sa bayan ng Bato, Camarines Sur.

Ayon kay SPO1 Rogelio Tuyay ng PNP Bato, kinilala ang mga biktima na sina Orlando Carlos, isang OFW, at kapatid nitong si Eduardo na isang negosyante sa Zambales.

Sangkot din sa transaksyon ang mga nagpakilalang Reynaldo Yalong, appraiser at isang Helen Nabong na siyang katransaksyon ng mga suspek.

Dalawa sa mga suspek ang kinilalang sina Ariel Lozeriaga at Jose Daza na kapwa taga-Tomatarayo, Balatan, Camarines Sur.

Ayon kay Tuyay, sinadya ng magkapatid na sina Carlos kasama sina Yalong at Nabong ang mga suspek sa pag-asang makakakuha ng gold bar.

Subalit iginiit ng mga suspek na “kaliwaan” ang bigayan ng ginto at ng pera.

Nang mailabas ang “goldbar” agad itong binuhusan ng asido ng magkapatid para matiyak na ginto ito pero sinamantala ng mga suspek ang pagkakataon at inagaw ang perang dala ng magkapatid saka tumakbo.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.