Nationwide Protest Laban sa Mataas na Singil ng Kuryente

NAGPROTESTA ANG iba’t ibang militanteng grupo sa mga sangay ng Manila Electric Company (Meralco) matapos ang patuloy na paniningil

ng mataas na presyo ng kuryente.

Nanguna ang Sanlakas at Freedom from Debt Coalition (FDC) sa pamimigay ng flyers ukol sa mataas na singil ng kuryente sa mga motorista, alas-5:30 pa lang kahapon ng umaga sa palibot ng Quezon City Memorial Circle.

Alas-10 naman kahapon ng umaga nang simulan ng FDC, Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) at iba pang militant labor groups ang pag-iikot sa mga sangay ng Meralco sa 53 bayan at lalawigan.

Dalawampung miyembro naman ng Akbayan, ang nagprotesta sa Kamuning branch ng Meralco.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.