National Zomba Day!

NAKAKA-SHOKOT ANG GINANAP na celebrity premiere ng Zombadings 1: Patayin Sa Shokot Si Remington noong August 30 sa SM Megamall Cinema 10. Nakaka-shokot, as in nakakatakot, ang naging pagdagsa ng mga iniidolo n’yong taartits. Eksena kung eksena ang mga stars from different networks, huh! Maliban sa cast nito na sina Martin Escudero, Lauren Young, Kerbie Zamora, Janice de Belen, Leandro Baldemor at Roderick Paulate na dumating sa venue eh, spotted din ang Amaya star na si Marian Rivera na may cameo role sa pelikula bitbit ang kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes. Matatawag namin na ‘National Zomba Day’ ang bonggang-bonggang premiere night kaya winner na winner ang pelikulang itey ni Direk Jade Castro. Naispatan din ng aming mga kamerang-gala ang ilan sa mga celebrities na nanood ng gabing ‘yon. Awaaard!

Photos by Luz Candaba & Mark Atienza

By MK Caguingin

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

Related Post

loading...

3 thoughts on “National Zomba Day!

Leave a Reply

Your email address will not be published.