National mercury storage plan, muling isinulong

BINUHAY NG grupong “Ban Toxics” ang kanilang panawagan sa gobyerno na magkaroon ng national mercury storage plan.

Ito’y Kasunod ng naganap na mercury sa storage room ng Fabella Hospital kung saan nakaimbak ang mga hindi na na ginagamit na mercury.

Ang mercury ay dating ginagamit sa mga thermometer at ilang hospital equipment.

Ayon kay Ban Toxics Media Officer Angelica Carballo-Pago, simula nang ipagbawal ang paggamit ng mercury noong 2008, wala pang malinaw na hakbang ang gobyerno kung paano magkakaroon ng centralized, maayos at ligtas na pag-iimbak ng mga mercury.

Hindi anya basta-basta na lang itinatapon ang mga mercury dahil hindi ito nawawala kundi nag-iiba lang ng porma na maaaring banta sa kalusugan ng tao at sa kalikasan.

Anya ay may isinasagawa na ang kanilang grupo ng pag-aaral sa ilang test sites na maaaring pag-imbakan ng mercury na malayo sa matataong lugar.

Samantala, ang sinumang makalanghap ng vapor o singaw ng mercury ay maaring magkaroon ng sakit na kanser, Parkinsons disease, Hunter Russell syndrome, o kaya’y Minamata disease.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.