National ID Card, Mungkahing Ipalit sa Cedula

SINUPORTAHAN NG isang mambabatas ang panukalang ibasura ang community tax certificate o cedula.

Iminungkahi ni House Deputy Speaker for Mindanao at Maguindanao Representative Simeon Datumanong, ipalit na lamang dito ang national ID card.

Panahon na aniya para alisin ang pagbabayad ng cedula dahil tanda lamang ito ng kolonisasyon ng mga dayuhan sa Pilipinas.

Mas makatutulong din aniya ang national ID card dahil mas mapapabilis ang transaksyon ng mga mamamayan sa pamahalaan.

Samantala, nakabin-bin pa rin naman sa ikalawang pagbasa ng Kongreso ang pagpapatupad ng national ID card.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.