National Artist award ni Nora Aunor, hinaharang

Arnel-RamosNora-AunorNora-AunorWILL NORA Aunor be finally conferred a much-deserved National Artist award this year?

Ayon sa aking reliable mole, mukhang may humaharang sa pagdeklara sa pint-sized superstar bilang Pambansang Alagad ng Sining para sa Pelikula which in all fairness to Ate Guy, she so richly deserves.

“Napansin mo ba na quiet ang PNoy Government tungkol sa usaping ito?” tanong sa akin ng aking kaibigang showbiz insider. Allegedly, may may tax evasion issues daw against the actress. “Kuwestiyon daw ukol sa pagka-mamamayan,” as my mole puts it.

Na ikinawindang ko nang bonggang-bongga. In our mind, ano ang kinalaman ng hindi pagiging diligent tax payer diumano sa pagiging berdaderong artist ng isang performer?

Yes, in terms of her wayward ways and seemingly aimless, idiosyncratic lifestyle, mapupulaan mo si Nora Aunor bilang tao. Pero sino ba ang perpekto? Hindi ba’t may mga naging Pangulo ng Pilipinas na humarap at nahaharap pa rin sa kasong plunder? Para sa akin, that is a much graver crime against the nation and its citizenry.

Ang mga senador at kongresista na ke lalakas ng loob ng mga crony nila na sabihing pabubulaanan ang mga “maling” paratang ukol sa pagkakasangkot sa infamous pork barrel scam, sila ba ang mga kapuri-kapuri? Maling paratang agad kahit hindi pa rin naman nila napu-prove na hindi sila guilty of what they’ve been accused. Sang-ayon ako na sabihing mga paratang, per se, pero para isulat ng mga manunulat daw na ito na kilalang malalapit sa mga sangkot sa naturang scam ay malinaw na presumption agad that these people have been wrongly pinpointed.

Warts and all, hindi mo mapupulaan ang pagiging national treasure ni Nora Aunor. Isang buhay at maningning na alamat. It’s a given that her indelible performances as the hapless alalay of a bit player in “Bona”, the “asawa ng Hapon” in “Tatlong Taong Walang Diyos”, ang ubod ng tahimik na pagganap bilang nalulumbay na nurse sa banyagang bansa sa “’Merika”, at bilang si Elsa, ang bulaang faith healer sa “Himala” are already part of our film annals.

Siya ang tunay na multimedia star, hindi si Toni Gonzaga at lalong hindi ang hanggang ngayon ay one-note performer na si Kris Aquino. By its very definition, si Ate Guy lamang ang nag-iisang female thespian who matters na niligid ang lahat ng medium ng sining ng pagganap, mapa-radio, TV, pelikula, recording at entablado.

And this is coming from me na hindi isang Noranian. Walang kakurap-kurap kong sasabihin na with or without that National Artist citation, si Nora Aunor ay mananatiling isang aktres na wala nang dapat pang patunayan at sa halip ay dapat na tularan ng sanrekwang starlets na wala pa mang napapatunayan ay mga certified swellhead na sa kampo ng Kapuso at Kapamilya networks.

Gusto n’yo pa bang i-roll call ko sila?

Lili, Actually!
by Arnel Ramos

loading...

22 thoughts on “National Artist award ni Nora Aunor, hinaharang

  1. Bakit ba marunong pa kayo sa NCCA? They are experts in arts and they know what they’re doing. Extensive ang evaluation nila and they found Nora worthy of the title.

    Nora’s films essayed the lives of filipinos in their struggles and victories. She represents the masses by potraying their life stories as nurses, maids, mothers, ofws, teachers and many unsung heroes in Philippine society.

    She gave honors to her country by winning prestigious awards in many film festivals around the globe such as Venice, Cairo, Brisbane, Cannes, AFA to name a few and thereby uplifting the Philippine arts by promoting our culture as filipinos.

    We should be proud of her contribution not only as a film actress but also as a film producer and as singer as well. She had produced albums that promote our own songs such as kundiman and Filipino love songs. Her superstar show had segments of filipiniana showing cultural dances.

    Nowadays, variety shows cater to so much commercialism and colonianism. Where are the Filipino arts and values?????

    Nora is well deserving of the title regardless of her personal imperfections.

    • ISA KA PA, WALA NAMAN SIYANG GINAWA SA HIMALA KUNDI MAGDIDIPA AT LUMUHOD HAHAHAHAHA! HINDI KO MINAMALIIT ANG MGA NAGAWA O RECOGNITION NIYA, SA AKING OPINYON AY HINDI PA DAPAT IGAWAD SA KANYA ANG NATIONAL ARTIST DAHIL ‘HINDI PA SAPAT’ ANG NAGAWA NIYA SA INDUSTRIYA, GETS? EH, DI PARANG WALK OF FAME LANG YAN NI KUYA GERMS NA WALANG MGA KAWENTA-WENTA ANG INILALAGAY HAHAHAHAHAHA! UNAHIN MUNA ANG MAS KARAPAT-DAPAT GAYA NINA DOLPHY AT EDDIE GARCIA…

  2. panahong panahon na no putrizk. ang lahat na pwedeng mabanggit na pwede maging NA ay walang sinabi sa mga nagawa ng Superstar. Siya lang, walang iba. Agree ako sa lahat ng sinabi ng author nito. May ISIP siya at MATALINO dahil alam niya ang TOTOO. Congrats po kay Mr. Arnel Ramos sa tamang analisa at pagkasulat. Sana’y matauhan ang lahat ng hindi naniniwala sa mga nagawa ni Ms. Nora Aunor. Sana ay magising na silang lahat sa KATOTOHANAN.

    • isa ka pa gemini, dyusko, nanalo lang ng ilang awards sa ibang bansa national artist na agad? hahahahaha! kakatawa…pag natuloy yan, ganyan kababaw ang pamunuan ng CCP hahahaha!

      • alam mo putrizk, IKAW ANG MABABAW dahil WALA KANG ALAM. magising ka na sa katotohanan. kapag nai-proklama na bilang NA si Ms. Nora, babalik ako dito at ako naman ang HAHALAKHAK. In the meantime, hindi na kita papatulan at mananahimik na muna ako.

      • Haynaku, gemini BAKA IKAW ANG WALANG ALAM HAHAHAHA! wag mo akong subukan dahil mas may alam pa ako sayo pagdating sa ganyan… Wala naman akong pakialam kung patulan mo ako o hindi basta kapag nagkatotoo ang gusto mo, isa lang ang ibig sabihin niyan, MABABAW AT MGA BOBO ang mga hurado hahahahaha!

  3. Mars Ravelo could be under the Literature or visual arts category, si Nora ay under sa Film and Broadcast Arts, so tanungin kita sino kaya ang mas deserving, kasi when it comes to achievements and accomplishments as an actor, walang makakapantay kay nora

    • hoy sompat, alam mo, maraming artista at mga personalidad na may kinalaman sa film at broadcast arts ang mas MAY K kesa kay Nora noh! Kay Dolphy dapat ibigay ang national artist at hindi sa kanya… hindi lang sa international recognition nasusukat ang pagiging national artist, sinusukat din ang TAGAL at DAMI ng naiambag sa pelikula, telebisyon at teatro…

      Sa sinasabi mong magkaiba sila ng larangan ni mars ravelo, tama ka… ang tagal nang nakatengga ang nomination kay ravelo bilang national artist tapos nauna pa sa kanya si carlo caparas? buti nga at binawi yon sa kanya dahil hindi pa niya deserve ang karangalan, mas karapat-dapat yan kay ravelo sa dami ng pinasikat niyang obra…

      Si ravelo muna bago si Nora noh! dami pang time kay Ate Guy unahin muna ang mas nararapat sa titulo…

    • si vilma, sumakay ba naman e di kumapit lumagapak….naiwan siya, kaya Ms. Nora Aunor ang nakarating lang…

Leave a Reply

Your email address will not be published.